Saturday, October 13, 2012

POEM TO THE PHILIPPINE ETHNIC GROUPS (Tagalog)

Diwa Ko Sa Puso

     ni Kenneth John Laureta    

                                   
Dumating sila ilang libong taon na
Lulan ng mga sasakyang Bangka
Para mamuhay dito ng mapayapa
Mga katutubo dito sa ating bansa

Inang kalikasan kanilang sinamba
Minamahal dito ang bawat nalikha
Mga malalaking puno na nasa lupa
Binigyang importasya’t  tinitingala

Nang tayo ay sinakop ng banyaga
Siyang  naghari dito sa ating bansa
 Ilang daan taon sila dito namalagi
 Bansang espanya at iba pang  lahi

                                                                  
Nakabangon na tayo sa pananakop
Buhay sibilisado na ang naaangkop
Pamahalaan na ang mayroon tayo
Namuno ang maduming gobyerno

Nasan na ba ang tunay na may-ari
Sa Pilipinas sila’y pinagkaitang puri
Mga kulurang ating pagmamayari
Kahalagahan nito bakit tinatanggi

Mga badjao, katutubong musmos
Sa mga lansangan namamalimos
 Dating yaman hindi na makakamit
Bakit bansa nila, sa kanila ipinagkait 

POEM TO THE MMSU AGOHO TREES (Tagalog)

SA PUNONG AGOHO

by Kenneth John Laureta


Sa  puno ng Agoho,
Salamat sa iyong anino
Silong naming sa pagtungo
Sa ibat ibang mga kolehiyo

Sanga moy tila sumasamba
Nakatingala sa ating May likha,
Mga dahon ay kulay luntian
Kay gandang pagmasdan

Mga linya ng koryente
Na ginamitan ng alambre
Dahilan ng iyong paglumbay
At sa amin, dusang tunay

Alambre, madaling mapatid
Bunga nitoy init na di mabatid
Sikat ng araw ,matindi ang init
Sa aming balat ito’y kumakapit

O ibong gumagawa ng pugad,
O punong Agoho ,ipagpatawad
Ang sanga moy puputulin
Di nila alam, ika’y dapat mahalin