Diwa Ko Sa Puso
ni Kenneth John Laureta
Dumating sila ilang libong taon na
Lulan ng mga sasakyang Bangka
Para mamuhay dito ng mapayapa
Mga katutubo dito sa ating bansa
Inang kalikasan kanilang sinamba
Minamahal dito ang bawat nalikha
Mga malalaking puno na nasa lupa
Binigyang importasya’t tinitingala
Nang tayo ay sinakop ng banyaga
Siyang naghari dito sa ating bansa
Ilang daan
taon sila dito namalagi
Bansang
espanya at iba pang lahi
Nakabangon na tayo sa pananakop
Buhay sibilisado na ang naaangkop
Pamahalaan na ang mayroon tayo
Namuno ang maduming gobyerno
Nasan na ba ang tunay na may-ari
Sa Pilipinas sila’y pinagkaitang puri
Mga kulurang ating pagmamayari
Kahalagahan nito bakit tinatanggi
Mga badjao, katutubong musmos
Sa mga lansangan namamalimos
Dating yaman
hindi na makakamit
Bakit bansa nila, sa kanila ipinagkait
No comments:
Post a Comment